UN Special Rapporteur Agnes Callamard – bukas na magsagawa ng official visit sa Pilipinas kung aalisin ni Pangulong Duterte ang mga inilatag nitong kondisyon

209

Manila, Philippines – Bukas si UN Special RapporteurAgnes Callamard na magsagawa official visit sa Pilipinas kung aalisin nggobyerno ang mga kondisyong inilatag nito noon sa kanya.
  Sa isang forum sa UP Diliman, sinabi ni Callamard nahinihintay lang niyang tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kondisyonnito.
  Kabilang rito ang pakikipagdebate ni Callamard sa panguloat ang pagpayag nitong magtanong sa pangulo na gagawin under oath.
  Samantala, dedma lang kay Callamard ang mga natatanggapniyang batikos dahil sa kanyang pagpunta dito sa Pilipinas.
  Aniya, sanay na siya sa mga kritisismo pero aminadongikinalulungkot niyang mas pinapansin ng publiko ang legalidad ng kanyangpagbisita sa bansa kaysa sa pakay niyang makapagbahagi ng kaalaman tungkol sausapin ng karapatang pantao.
 
 
   
   

Facebook Comments