Manila, Philippines – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard sa pilot episode ng kanyang programa na Mula Sa Masa, Para Sa Masa.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung babalikan ang datos ng mga namatay sa nakalipas na tatlo o apat na taon, lumalabas na 77,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa iligal na droga.
Taliwas aniya ang datos na ito sa sinasabi ni Callamard na hindi nakakasira ng utak ng tao ang paggamit ng iligal na droga.
Sabi pa ng Pangulo, ang mga taga-United Nations ang dapat na pa-imbestigahan dahil hindi nila alam ang totoong problema sa droga ng Pilipinas.
DZXL558
Facebook Comments