UN special rapporteur Agnes Callamard – nanindigang alam ng Duterte administration ang pagbisita nito sa bansa

82

Manila, Philippines – Nanindigan ngayon si UN special rapporteur on extrajudicial summary, or arbitrary executions Agnes Callamard na alam ng Duterte administration ang kanyang pagbisita sa bansa.

Ayon kay Callamard – noon pang April 28 ay nagsabi na siya ng kanyang nalalapit na pagdating sa bansa para sa isang academic conference kaugnay ng usapin sa iligal na droga.

In-acknowledge naman aniya ng gobyerno ang kanyang pasabi sa pamamagitan ng liham na may petsang April 29 at May 1, 2017.

Sinabi ni Callamard na nag-abiso din siya na hindi naman “official visit” ang kanyang gagawin.

Kasabay nito, muling binigyang diin ng UN special rapporteur na dahil hindi naman opisyal ang pagdalaw niya sa bansa, kaya hindi naman niya susuriin o iimbestigahan ang human rights situation at wala din aniya siyang ilalabas na report sa United Nations.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya ang Palasyo sa presensya ni Callamard na kilalang kritiko ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

DZXL558

Facebook Comments