Nakatakdang bumisita mamayang hapon si UN Special Rapporteur Irene Khan sa Palasyo ng Malacañang.
Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Ayon sa PTFoMs, makikipagpulong si Khan kay Executive Secretary Lucas Bersamin dakong alas-4:00 ng hapon.
Nasa Pilipinas si Khan para sa 10 araw na pagbisita kung saan susuriin nito ang human rights mechanism ng bansa, partikular ang freedom of opinion at expression.
Hindi naman tinukoy ng Malacañang kung pag-uusapan sa pulong na ito ang isyu ng war on drugs ng dating administrayong Duterte.
Nauna nang nakipagdayalogo si Khan sa Department of Justice (DOJ), Supreme Court, at Commission on Human Rights (CHR).
Facebook Comments