UN Special Rapporteur on Extrajudicial Summary, bibisita sa Pilipinas

Sa unang bahagi ng 2023 inaasahan ang pagbisita sa Pilipinas ni United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial Summary or Arbitrary Executions Dr. Morris Tidball- Binz.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, inimbitahan ng Pilipinas ang special rapporteur para sa capacity- building at pagsasanay sa forensic pathologists sa bansa.

Sinabi ni Remulla na sa ngayon ay dalawa lang talaga ang lehitimo at internationally-accepted na forensic pathologists sa Pilipinas dahil ang iba ay pawang medico- legal experts.


Kabilang din aniya sa pakay ng pag-anyaya sa special rapporteur ay para sa capacity -building para sa mga kalamidad.

Samantala, inimbitahan din ng Pilipinas sa bansa ang UN Special Rapporteur on the Sale of Children, Child prostitution, and Child Pornography at ang Special Rapporteur on Freedom of Expression and Media.

Facebook Comments