UN Special Representative for Disaster Risk Reduction Kamal Kishore, tinawag na “beacon of Asia” ang disaster resilience policies ng Pilipinas

Pinuri ni UN Special Representative for Disaster Risk Reduction Kamal Kishore ang mga good practice ng Pilipinas sa pagtugon sa mga banta ng Salina at kalamidad.

“Way ahead of the curve” na umano ang approach ng Pilipinas sa risk reduction management.

Naka-ugat umano sa komunidad at aktibo ang pagkilos ng civil society sa mga paghahanda sa pagtugon sa banta ng sakuna at kalamidad.


Pinuri ni Kishore ang all of government approach na ipinapatupad ng Pilipinas na mahirap umanong makita sa diskarte ng ibang bansa.

Isa umanong beacon o inspirasyon ang mga ginagawa ng Pilipinas para makamit ang mga target na resulta.

Bukas bubuksan ang plenary conference.

Layon ng kumperensya na makumpleto ang 5-year plans ng Sendai framework on Disaster Risk Reduction.

Puntirya rito na makabuo ng mga plano sa paghahabap ng practical solutions sa funding ng mga programa at aksyon sa Disaster Risk Reduction.

Gayundin ang mga pamamaraan upang ang mga measures sa disaster risk reduction ay walang maiiwan na bansa sa Asia Pacific region.

Ang Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction ay dadaluhan ng mga delegado mula sa 70 bansa para talakayin ang mga patakaran sa pagtugon sa epekto ng climate change.

Facebook Comments