Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “inutile body” ang United Nations.
Ayon sa Pangulo, hindi nagawa ng UN na maitatag ang kaayusan sa mundo at hindi rin nito napigilan ang ilang digmaan.
Dagdag pa ng Pangulo, wala ring ginagawang hakbang ang UN laban sa mga piratang binibiktima ang mga Filipino Seafarer.
Inatasan niya si DSWD Sec. Rolando Bautista na makipag-coordinate sa Philippine Navy para sa Deployment ng Navy Forces na wawasak sa mga Pirata.
Ang Piracy at Ransom Kidnapping ng mga Pilipinong Marino ay kadalasang nangyayari sa African Waters, at isa ito sa tinutugunan ng gobyerno.
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking provider ng Shipping Manpower sa Mundo.
Facebook Comments