UNA KA DITO CARAVAN, MULING MAGHAHATID SERBISYO

CAUAYAN CITY- Muling aarangkada ang Cauayan Una Ka Dito City Hall on Wheels 2024 sa ika-3 ng Agosto sa Brgy. Buena Suerte, Cauayan City, Isabela.

Layunin ng naturang caravan na magbigay serbisyo sa mga mamamayan katulad ng libre pagamot at gamot, libreng legal services, libreng pa-dentista, libreng social welfare assistance, at marami pang iba.

Ang mga benepisyaryong makakatanggap ng mga serbisyo ay mula Brgy. Culalabat, Labinab, Rizal, at Sta. Luciana.


Upang makatanggap ng mga serbisyong ihahatid ng nasabing programa ay kinakailangan lamang magdala ng mga kaukulang dokumento.

Facebook Comments