UNA KA DITO CITY HALL ON WHEELS, NAGHATID SERBISYO SA BARANGAY CARABATAN GRANDE

Cauayan City – Dinala ng “Una ka Dito City Hall On Wheels Caravan” ang mga serbisyong hatid ng LGU Cauayan sa Barangay Carabatan Grande Community Center kahapon, ikatlong araw ng Oktubre.

Ayon kay Cauayan City Mayor Caesar “Jaycee” Dy, layunin ng programang ito na ihatid sa mga mamamayan ng iba’t ibang barangay sa lungsod ng Cauayan ang mga serbisyong panggobyerno ng mas mabilis at abot-kamay.

Kabilang sa mga barangay na nabenepisyuhan ay ang Carabatan Grande, Carabatan Chica, Carabatan Bacareno, Carabatan Punta, Catalina, Mabantad, at Nagcampegan.


Ilan lamang sa serbisyong hatid ay ang libreng gamot, medical at dental check-up, tulong mula sa social welfare, libreng legal na serbisyo, scholarship program, at City ID assistance, kasama ang marami pang iba.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahan na mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng akses sa serbisyong medikal, legal, at edukasyonal nang hindi na kinakailangang gumastos pa.

Facebook Comments