Manila,Philippines – Ipinag-utos na ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles sa National Food Authority at NFA Council na isantabi na ang alitan at unahing tugunan ang kakulangan sa bigas.
Ayon kay Nograles, ang hindi pagkakasundo ng mga ito ang dahilan ng pagsirit sa presyo ng bigas.
Aniya, sa harap ng panibagong pagtaas ng inflation sa 6.4% ngayong Agosto, dapat tapusin na nina NFA Administrator Jason Aquino at ng NFA council ang bangayan.
Mababatid na inamin ng NFA sa pagdinig ng Kamara na nabigo ang mga itong abutin ang palay procurement targets dahil ang presyong 17-pesos na buying price ng palay ay mas mababa sa presyong inaalok sa mga magsasaka ng mga lokal na mangangalakal.
Mula pa noong nakaraang taon, hiniling na ng pangasiwaan ng NFA sa NFA Council na taasan ang buying price ng palay, ngunit hindi ito natugunan kahit na buwanang nagpupulong ang NFA Council.
Pinagsabihan naman ni Nograles ang NFA Council na agarang kumilos at tugunan ang rekomendasyon ng pangasiwaan ng NFA na itaas ang buying price ng palay.