Hindi sapat ang isandaang araw para husgahan ang naging pamamahala ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DAR).
Ito ang inihayag ni Federation of Free Farmers Chairman at dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor hinggil sa nalalapit na ika-100 ni PBBM.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi rin ni Montemayor na gustong pagtuunan ng pangulo ang sektor ng agrikultura dahil dito nagmumula ang pagkain na pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.
Malaki rin aniya ang potensiyal nito para makabuo ng maraming trabaho, kaya naman paglalaanan ito ng mas malaking budget sa susunod na taon.
Samantala, nang tanungin hinggil sa posibleng pagtatalaga ng bagong kalihim ng nasabing kagawaran, ipinaliwanag ni Montemayor na mabigat ang tungkulin na nakaatang sa pangulo.
Hawak din aniya ni Marcos ang lahat ng kagawaran sa pamahalaan, kaya hindi nito pwedeng pamunuan nang pangmatagalan ang sektor ng agrikultura.