Maganda ang naging turn-out ng isinagawang simultaneous Job Fair sa 3 panig ng Taguig City noong nakaraang Biyernes…
Ayon kay Ginoong Joey Palamos, alter-ego ni Taguig PESO manager Norman Mirabella sa mga Job Fair projects ng kanilang tanggapan, sa brgy. San Miguel, umabot sa 5 employer ang nagbigay oportunidad sa may 30 aplikante, 10 employer naman ang sinugod nang nasa 20 aplikante sa brgy. North Daang Hari at kabuuang 26 na employer na may 87 aplikante ang nagtagisan ng kanilang galing sa interview na ginanap sa PESO office mismo.
Suma-total, umabot sa kabuuang bilang na 137 aplikante at 41 employer ang nagbigay kulay sa buhay manggagawa ng mga Taguigeños.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pagtanggap ng mga ‘walk-in’ applicants sa kanilang tanggapan. (DZXL Radyo Trabaho – RadyoMaN Ronnie Ramos)
Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
Radyo Trabaho textline: 0967 372 9014
Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!
#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS