Nagsagawa ng advisory council meeting ang tanggapan ng Santiago City police station 2 na pinangunahan ni Police Major Reynaldo Balunsat, hepe ng Police Station 2 at ito ay dinaluhan naman ng RMN Cauayan.
Ito ay bilang bahagi ng pagpapanatili kapayapaan at dito pinag-usapan ang mga action plans ng naturang tanggapan upang makapag lunsad ng mga programa o aktibidad na may kaugnayan sa pangkaayusan sa kanilang nasasakupan.
Sa panayam kay Police Major Balunsat ang hepe ng station 2 ay napakahalaga aniya ng pag buo ng grupo ng advisory council upang mapag-usapan ang nga dapat na tugunan at mapabuti ang pagbibigay ng serbisyong pangkaayusan at kapayapaan ng PNP.
Ang advisory council ay binubuo naman ng youth representative, Religious representative, Barangay Officials, NGO, Media, LGU, at iba pang mga organisasyong makatutulong upang matulungan ang panig ng kapulisan na mas mapabuti ang serbisyong iniaabot sa komunidad.
Samantala, malaki naman ang paniniwala ni Major Balunsat na sa pamamagitan ng samasamang pagtutulungan ay mas magiging matagumpay ang pagkilos ng kapulisan sa pagpapababa ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan.