Itinaas na ang unang alarma sa Marikina River matapos na umabot sa 15-meter mark ang lebel ng tubig sa ilog dahil sa walang tigil na mga pag-ulan.
Nangangahulugan ito ng “warning” sa alarm system ng lungsod.
Dahil dito, bukas na ang lahat ng walong gate ng Manggahan Floodway.
Alas-7:00 kaninang umaga, sumampa na ang water level sa ilog sa 15.5 meters.
Samantala, oras na sumampa sa 16-meter mark ang tubig, dapat nang maghanda ang mga residente sa paglikas na gagawin naman kapag umabot na sa 17 meters o third alarm.
Kahapon, nasa 3,000 pamilya na nakatira malapit sa riverbank at mababang lugar ang lumikas matapos na itaas ang ikalawang alarma sa Marikina River.
Pero bumaba rin ito sa normal level.
Facebook Comments