Unang apat na kaso ng firecrackers-related injury, naitala ng DOH

Naitala ng Department of Health (DOH) ang unang apat na kaso ng fireworks-related injuries ngayong taon.

Pawang mga lalaki na edad anim hanggang labintatlo ang nabiktima ng paputok.

Partikular sa mga paputok na ito ay “boga,” “5-star,” at “piccolo” na itinuturing na iligal.


Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa mga nagtitinda ng paputok at sa law enforcers na paigtingin ang pagbabantay laban sa illegal fireworks.

Mula December 21, 2022 hanggang January 4, 2023, nakapagtala ang DOH ng 277 fireworks-related injuries na 49% na mas mataas kumpara sa mga kasong naitala noong 2021.

Facebook Comments