UNANG ARAW | Bagong upong hepe ng MPD magsisimula na ng kanyang trabaho

Manila, Philippines – Pormal ng manunungkulan ang bagong hepe ng Manila Police District (MPD) sa katauhan ni Police Chief Superintendent Rolando Anduyan ngayong araw.

Si Anduyan na galing ng Police Regional Office sa ARMM, ay hahalili sa pwesto ni outgoing MPD District Director Police Chief Superintendent Joel Coronel na malilipat naman sa NCRPO bilang Deputy Regional Director for Administration.

Naging matunog ang pangalan ni Anduyan sa pagliligtas noon sa dinukot na pari sa lungsod ng Marawi noong nakalipas na taon, kung san kabilang siya sa mahigit 700 ng mga pulis na nabigyan ng promosyon.


Kabilang din si Anduyan sa 205 tropa ng PNP/ARMM na unang pinadala sa Marawi para pangunahan ang pagtaboy sa mga Maute-ISIS Group.

Sa kautusan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nitong unang araw ng Hunyo, kabilang si Anduyan sa 27 na opisyal ng PNP na isinailalim sa balasahan, o reshuffle.

Una ng binigyang diin ni Albayalde na ang ipinag-utos niyang reshuffle ay resulta naman ng ebalwasyon ng oversight committee sa performance ng mga opisyal ng PNP.

Facebook Comments