Unang araw ng Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 na lugar sa bansa naging payapa ayon sa PNP

Walang naitalang anumang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) na may kinalaman sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 pang mga lugar sa buong bansa.

Sinabi ito ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, kasabay ng pahayag na ang mga dating Quarantine Control Points ay ginawa na lang nilang mga law enforcement checkpoints o Commission on Elections (Comelec) checkpoint.

Ngunit patuloy pa rin aniya ang pag-monitor ng PNP sa pagsunod ng mga tao sa minimum public safety standards sa mga pampublikong lugar.


Kaugnay nito, iniulat ni Carlos na 3,000 indibidwal ang pinagsabihan ng mga pulis sa National Capital Region dahil sa hindi pagsunod sa health protocols at 861 ang pinagmulta dahil sa paglabag sa mga health ordinance ng mga Local Government Unit kahapon, Marso 1.

Facebook Comments