Manila, Philippines – Isa pa lamang ang nahuhuli sa paglabag sa Anti Distracted Driving Act simula ng ipinatupad kanina ng LTO Law Enforcement Service sa kahabaan ng Quezon Avenue Quezon City.
Ayon kay LTO Law Enforcement Service Team leader Jose Manuel Bonnevico malaking tulong ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko kung bakit kakaunti lamang ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa ADDA.
Paliwanag ni Bonnevico isa pa lamang ang kanilang nahuhuling paglabag sa ADDA at itoy nakilalang si Arnulfo Advincula ay naglalagay lamang umano siya ng signboard sa kanyang minamanehong UV Express na may biyaheng Fairview-Buendia pero nahuli ng Law Enforcer ng LTO na gumagamit ng handheld radio na mahigpit na ipinagbabawal habang nagmamaneho sa kalsada.
Dagdag pa ng opisyal umaabot na sa mahigit 140 kabilang ang isang nahuling paglabag sa ADDA pero karamihan sa nahuli ay walang helmet, substandard ang paggamit ng helmet at hindi naka seat belt pati mga pasahero ng pampasaherong jeep na hindi naka-seat belt.