Wednesday, January 21, 2026

UNANG ARAW NG BAKUNAHANG BAYAN SA IBAT IBANG LUGAR SA BAYAN NG INFANTA, ISINAGAWA

Nabigyan ng patuloy na proteksyon ang mga residente sa Infanta laban sa banta ng COVID-19 sa isinagawang Bakunahang Bayan sa bayan sa pangunguna ng buong pwersa ng RHU-Infanta at DOH-HRH Infanta.
Nagkaroon ng Bakunahang Bayan sa Infanta Municipal Park, at sa mga elementaryang paaralan sa bayan para mas abot-kamay ng mga residente ang karagdagang booster shots at vaccine laban sa COVID-19 virus.
Nagbigay din ng libreng school bags ang grupo para sa mga 5 hanggang 11 na taong gulang na kabataan na nagpabakuna.
Nagpapasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng RHU-Infanta at DOH-HRH-Infanta sa lahat ng mga nagpabakuna at patuloy na nakikiisa sa laban kontra COVID-19. |ifmnews
Facebook Comments