Naging matagumpay ang unang araw ng Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Day.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., batay sa mga report na kanilang natanggap, dinumog ang mga vaccination site na magandang senyales na marami sa ating kababayan ang gustong magpabakuna.
Aniya, nakikita nila na kakayaning makamit ng pamahalaan na makapagbakuna ng 9 million na indibidwal sa tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan.
Batay sa alas-4:00 tala ng National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot na sa 547,628 na mga indibidwal o katumbas 6.07 percent mula sa daily target na 3 million ang nabakunahan ngayong araw.
Mula ito sa 20 percent o katumbas ng 324 na Local Government Units (LGUs).
Kabilang sa may pinaka-mataas na vaccination rate sa ngayon ang Regions 1, 2, 4B, 4A, at Cordillera Administrative Region (CAR).