UNANG ARAW NG BUROL NI MARJORETTE GARCIA SA BAYAN NG SAN JACINTO, DINAGSA; PAKIKIRAMAY BUMUHOS

Dinagsa ang unang araw ng burol ni Marjorette Garcia sa Brgy. Awai bayan ng San Jacinto.
Kahapon, ika-14 ng Oktubre nang dumating ang mga labi ni Marjorette sa kanilang tahanan ay isinagawa ang isang programa at sinalubong ito ng isang tugtugin bilang bahagi ng Hero’s Welcome sa yumaong Pangasinense na pinatay sa Saudi Arabia ng kanyang katrabaho na isang babaeng Kenyan National.
Inihandog din ang isang prayer service para kay Marjorette na pinangunahan ni Rev. Fr. Danille Chad Pecson ng St. Hyacinth Parish.

Matapos nito ay inilahad ng mga alkalde ng LGU San Jacinto at LGU Dagupan City, ika-apat na Distrito ng Pangasinan at Pamahalaang Pangasinan Governor ang kanilang mga mensahe at pakikiramay sa pamilya.
Personal ding dumalo at nagpaabot ng mensahe sina OWWA Administrator Arnel Ignacio, OIC Department of Migrant Workers Hans Leo Cacdac.
Dito na rin isinagawa ang awarding ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan lokal man at nasyonal.
Patuloy naman ang pagbuhos ng pakikiramay sa pamilya Gonzales at Garcia para sa namayapang si Marjorette. | ifmnews (photo- OWWA R1)
Facebook Comments