Unang araw ng campaign period para sa local candidates, mapayapa ayon sa Comelec

 

Itinuturing ng Comelec na mapayapa ang unang araw ng kampanya para sa mga lokal na kandidato.

 

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, wala namang namomonitor ang komisyon na anomang karahasan o untoward incidents sa unang araw ng kampanya.

 

Kasabay ng pag-arangkada ng campaign period para  sa lokal na posisyon sa gobyerno…muling nanawagan ang Comelec sa mga kandidato at mga botante na panatilihin ang kaayusan sa kabuuan ng kampanya.


 

Ayon kay Jimenez, ngayon pa lang ay dapat ipakita na ng mga kandidato sa mga botante na sila ay responsable.

 

Ang mga kandidato aniya ang dapat maging halimbawa sa taongbayan na sila ay masunurin sa batas at iwasan ding dumagdag sa problema sa trapiko sa Metro Manila.

Facebook Comments