Unang araw ng COC filing, naging maayos – COMELEC

Naging maayos ang pagsisimula ng unang araw ng pagsusumite ng certificates of candidacy para sa mga tatakbo sa 2022 national elections.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, mayorya sa mga kakandidato at kasama nito ay sumusunod sa ipinapatupad na health protocols.

Aniya, ang mga ito ay pawang nagpasa ng negative antigen test, may suot na face mask at face shield.


Bagama’t kung minsan ay kailangan pa ring ipaalala ng mga poll officer ang mahigpit na pagsunod sa social distancing, nananatili itong payapa.

Matatandaang isinagawa ang filing ng COC sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila compound na tatagal hanggang Oktubre 8, 2021.

Facebook Comments