Pormal ng binuksan ng Commission on Election Pangasinan Provincial Office
ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga nagbabalak tumakbo para sa paparating na Halalan 2022.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Atty. Marino Salas, COMELEC Provincial Election Supervisor, ang unang araw umano ng paghahain ng kandidatura ay sinabi nitong maayos at matiwasay ngayon araw ang COC Filing.
Pawang mga minor problems lang umano ang na-encounter ng kanilang tanggapan gaya na lamang ng init ng panahon.
Ngunit aniya, anuman umano ang mangyari, nakahanda naman sila katuwang ang ilang pwersa ng kapulisan sa Dagupan City Police at Pangasinan Provincial Police para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa tanggapan.
Sa ngayon bilang pa sa daliri ang naghahain ng kani-kanilang mga kandidatura ngunit ayon pa kay Atty. Salas, asahan umano ang dagsa ng mga aspiring leaders na maghahain ng kanilang COC sa huling tatlong araw ng itinalagang araw para sa COC Filing.