Unang araw ng election period mapayapa; 25 arestado dahil sa paglabag sa election gun ban

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang unang araw ng election period sa buong bansa kaugnay sa gaganaping midterm election.

Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police.

Habang ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, Umaabot na sa 25 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa umiiral na COMELEC Gun ban.


Aniya, hanggang hating gabi kagabi nakapagsagawa na sila ng 4,447 na checkpoints operations.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa 25 gunban violators na nakuhaan ng 27 baril, 168 rounds of ammunition, pitong patalim, 22 gun replica, at 70 hinihinalang shabu at 2 glass pipe ng Marijuana.

Sa ngayon nagpapatuloy ang COMELEC checkpoint na magtatagal hanggang buwan Hunyo.

Facebook Comments