Unang araw ng enrollment sa Ramon Magsaysay High School, matumal

Umarangakada na ang enrollment ngayong araw, July 3, 2024 kung saan ay matumal pa rin ang mga estudyante nagpapa-enroll sa Ramon Magsaysay High School sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Josephine Maningas Principal ng naturang Paaralan umaabot pa lang sa 421 na mga estudayante sa Grade 7 ang nagpaenrol kanina habang sa Grade 8 ay pumapalo sa 355 na nag-enroll ngayong araw.

Inaasahan pa umano nila na sa mga susunod pang linggo ang magsisipag dagsaan ang mga mag-aaral sa naturang paaralan.


Una rito, magsisimula na ang pasukan sa susunod na July 29, 2024 kaya’t nanawagan si Maningas sa mga magulang na ngayon pa lamang ay dapat enroll na ang kanilang mga anak.

Facebook Comments