
Umarangkada na noong Martes, December 2, ang unang araw ng mga aktibidad na inilatag para sa selebrasyon ng Annual Fiesta ng Urdaneta City.
Tampok dito ang Street Dancing and Parade na nilahukan ng mga kasapi ng iba’t-ibang institusyon, ahensya at establisyemento sa lungsod, kabilang pagsasayaw ng mga mag-aaral at Kabataan na umiikot sa makulay na kultura at pagkakilanlan ng Urdaneta.
Bukod dito, nagpasiklaban din sa street dancing ang mga kalahok kasabay ng DEPED Day.
Pumarada din ang mga kandidata sa Binibining Urdaneta 2025, na isa rin sa inaabangang bahagi ng kapistahan at gaganapin sa December 8.
Ngayong araw, December 3, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan alinsunod sa kautusan na nilagdaan ng alkalde, upang bigyan ng isang araw na ‘physical at mental break’ ang mga mag-aaral at teaching force, habang regular work day naman sa ibang mga ahensya at mga pribado at government na opisina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









