Unang araw ng general registration ng service contracting program ng LTFRB, dinagsa ng traditional PUJ drivers

52

Dinagsa ng aabot sa 1,520 na traditional Public Utility Jeepneys (PUJ) drivers ang unang araw ng general registration para sa service contracting program na isinagawa sa Quezon City Memorial Circle Basketball Covered Court.

Ang Service Contracting Program ay naglalayong bigyan ng karagdagang kita ang mga PUV driver na wala nang kita dahil sa pandemya.


Sa ilalim nito, magkakaloob ang gobyerno ng performance-based subsidy sa mga driver na nakabase sa kilometro ng kanilang ibibiyahe.

Lahat ng mga nakapagparehistro kahapon ay isinailalim sa orientation na pinangunahan ng LTFRB at systems manager.

Tinulungan din silang makapag-register sa smartphone application na makatutulong sa kanilang pagpasada sa ilalim ng nasabing programa.

Nagpapatuloy ang general registration sa Service Contracting Program na tatagal hanggang Linggo, November 29 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.




Facebook Comments