Unang araw ng implementasyon ng COMELEC checkpoint, naging mapayapa – PNP

Walang naitalang major untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng COMELEC checkpoint kahapon para sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, inatasan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang mga Regional Director na direktang i-supervise ang mga checkpoint operations.

Pinasisiguro din aniya ng PNP chief sa mga pulis na magsasagawa ng checkpoint na maging magalang, nasa lugar na maliwanag, mayroong mga markadong sasakyan, naka-suot ng uniporme at striktong susunod sa police operational procedures.


Kabilin-bilinan din aniya ni Acorda na sundin at respetuhin ang karapatang pantao sa pagpapatupad ng checkpoint search.

Samantala, ipinauubaya na aniya ng pamunuan ng PNP sa mga ground commanders kung ilang checkpoint ang ilalalatag, depende sa sitwasyong panseguridad sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments