Unang araw ng implementasyon ng limited face-to-face classes naging matagumpay ayon sa DepEd

Tagumpay na maituturing ng Department of Education (DepEd) ang unang araw nang pagpapatupad ng limited face-to-face classes.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na sa kabuuan ay naging maayos naman ang pagbabalik eswkelahan ng mga bata kahapon.

97 mula sa 100 mga paaralan sa bansa na may mababang kaso ng COVID-19 ang lumahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.


3 aniya sa mga paaralang ito ay hindi muna pinayagang makapag daos ng face-to-face classes dahil ang mga guro ay nagpositibo sa COVID-19.

Pero umaasa si Briones na sa susunod na Linggo o pagsapit ng November 22, ay kumpleto na ang 100 mga paaralan na makapagsasagawa ng limited face-to-face classes dahil gumaling na mula sa virus ang ilan nitong teaching staff.

Kasunod nito umaasa ang kagawaran na mapapalawig o madaragdagan pa ang mga paaralang makakasali sa limited face-to-face classes sa buong bansa kasunod nang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments