Unang araw ng implementasyon ng “No vaccine, No ride” Policy, naging maayos ayon sa FEJODAP

Courtesy: Radyoman Mike Goyagoy

Para sa grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEDOJAP), naging maayos ang unang araw ng implementasyon ng “No vaccine, No ride” Policy sa kanilang hanay.

Ayon kay Ka Boy Rebaño, National President ng FEJODAP, maaga siyang nag-monitor sa mga kalye para makita kung nakikiisa ang mga miyembro nila sa polisiya.

Nakatulong kahit paano ang maayos na information dissemination ng Department of Transportation (DOTr) sa hanay ng transportasyon.


Karamihan aniya sa mga pasahero ng kanilang member drivers ay may bitbit na vaccination card.

Disiplinado ang mga pasahero at walang nakitang mga naging pagtatalo sa mga pasahero at driver.

Gayunman, ani Rebaño, may ilang mga pasahero din ang hindi pinasakay dahil nakalimutan daw ang kanilang vaccination card.

Pinakikiusapan na lang nila ang mga ito na huwag na munang gumamit ng pampublikong sasakyan dahil ang kanilang driver/operator ang malalagay sa alanganin sa oras na masita ng mga law enforcer.

Facebook Comments