MANILA – Kasabay ng unang araw ng pagpapatupad ng Terminal Appointment Booking System o TABS, ang koalisyon kontra dito, sinabayan ng kilos protesta.Dumagsa ang mga truckers, brokers at maging mga operators sa Gate 3 ng Bureau of Customs upang ipahayag ang mariin nilang pagtutol dito.Ayon kay Abe Rebao, Vice president ng Aduana, Sa ikatlong araw ng kanilang truck holiday, mas maraming suporta pa ang kanilang natanggap, ito’y matapos umano ang mga panghaharass na naranasan nila sa mga nauna na nilang isinagawang kilos protesta.Hindi aniya sila mawawalan ng pagasa, na maipatutupad ang tunay na Terminal Appointment Booking System kung saan walang chargers at walang penalties.Bukod dito kinukundena rin ng koalisyon, na mas inuna pa pagtatalaga kay Secretary Almendras bilang bagong kalihim ng DFA, kaysa solusyunan ang mga issue sa TABS, tulad ng port congestion, mataas na registration fee at mga penalities na hindi naman inaprubahan ng PPA.Iba’t ibang grupo ng kabataan nagkilos protesta dahil sa K-12.Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng kabataan sa harapan ng Korte Suprema upang kundenahin ang pagbabasura sa mga TRO ng K -12.Ayon kay Charisse Bañez, National Chairperson ng League of Filipino Students, sa ginawang hakbang na ito ng kasalukuyang administrasyon, mas maraming mahihirap na kabataan ang mapapagkaitan ng pagkakataong makapagaral.Aniya bukod sa dadagdag ito sa pasanin ng mga magulang at magaaral, mas maraming kabataan ang hindi makakapagtapos ng sekondaryang edukasyon.Dahil ito, mas magiging mahirap ang tyansa nilang humanap ng angkop na trabaho at lalong tataas ang unemployment rate sa bansa.
Unang Araw Ng Implementasyon Ng Tabs, Sinalubong Ng Kilos Protesta.
Facebook Comments