
Sinimulan na ng grupong Manibela ang kanilang kilos-protesta sa Philcoa, Quezon City.
Ito ay bilang pagkondena sa mga palpak na flood control projects.
Anila, hindi sila nandito para manggulo kundi para ihayag ang kanilang mga hinaing.
Sa panayam ng DZXL-RMN Manila kay Manibela President Mar Valbuena, nagpapakasasa raw ang mga contractor at mga mambabatas gamit ang mga buwis ng taumbayan kasama na rito ang buwis ng mga tsuper.
Apektado raw aniya ang kanilang kabuhayan sa tuwing may baha at hindi sila makabiyahe dahil sa mga palpak na flood control projects.
Facebook Comments









