Unang araw ng kilos protesta ng grupong MANIBELA, tinapos na

Mapayapang tinapos ng grupong Manibela ang kanilang kilos protesta dito sa PHILCOA, Quezon City.

Dakong alas-10 kaninang umaga nang naghiwa-hiwalay ang grupo matapos ang kanilang pagpapahayag ng hinaing sa pamahalaan.

Ito ay may kaugnayan sa mga palpak na flood control projects na nakaapekto rin sa kanilang mga kabuhayan tuwing malakas ang ulan at bumabaha sa Metro Manila dahil hindi na sila makabiyahe.

Bahagi rin ng kanilang kilos protesta ang pagbabalik sana ng pamahalaan sa prangkisa ng kanilang traditional jeepney na binawi ng pamahalan para paghandaan ang jeepney modernization program.

Sinabi ni Quezon City Police Office acting District Director Police Col. Randy Silvio, na nangako ang grupo ni MANIBELA President Mar Valbuena na maayos nilang tatapusin ang kanilang kilos protesta.

Facebook Comments