Unang araw ng Linggo ng Pebrero, idineklara bilang National Day of Prayer and Awareness Against Human Trafficking

Taunan nang magsasagawa nang sabayang pagdarasal at magpapakalat ng impormasyon ang Simbahang Katoliko sa isyu nang human trafficking.

Ito ay matapos mapagkasunduan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ideklara ang unang araw ng Linggo ng Pebrero bilang National Day of Prayer and Awareness Against Human Trafficking.

Base ito sa petisyon ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People na maglaan ng araw para ipagdasal ang mga biktima ng makabagong uri nang pang-aalipin.


Una nang nagdesisyon ang CBCP na ideklara ang February 5 bilang National Day of Prayer and Awareness laban sa Human Trafficking pero umapela ang ECMI na gawin itong taunang aktibidad.

Ngayong araw magtatapos ang pulong ng CBCP sa Pope Pius XII Catholic Center dito sa Maynila.

Facebook Comments