Unang araw ng local absentee voting, naging matiwasay

Naging maayos sa pangkalahatan ang unang araw ng Local Absentee Voting (LAV).

Ayon kay Comission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, wala silang natanggap na reklamo sa proseso ng botohan at wala ring naitalang aberya sa polling centers.

Ang Local Absentee Voting ay ang paraan para makaboto ang ilang mga opisyal at kawani ng gobyerno, mga sundalo, pulis at maging media na may election duties sa mismong araw ng halalan.


Sabi ni Jimenez, sa 35,604 na aplikasyon para sa Local Absentee Voting 29,321 ang naaprubahan.

Karamihan sa Local Absentee Voters ay mula sa AFP, PNP at media.

Ang Local Absentee Voting ay tatagal hanggang bukas, Mayo 1 mula kung saan maaaring bomoto mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments