Unang araw ng mahigpit na implementasyon ng yellow lane policy, tagumpay- MMDA

Manila, Philippines – Itinuturing na tagumpay ng Metropolitan Manila Development Authority ang unang araw ng pinaigting na implementasyon ng yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Asst. GM Jojo Garcia kahit na mayruon paring nagpasaway at lumabag sa nasabing polisiya ay maganda ang kinalabasan o kinahinatnan nito kahapon.

Mahigit sa 1000 mga pasaway na motorista ang lumabag sa yellow lane policy kahapon base narin sa datos na hawak ng Task Force Special Operation ng MMDA.


Pero ayon kay Garcia mas naging mabilis ang byahe ng mga bus ngayon.

Sa katunayan mas mabilis pa nga ang byahe ng bus kumpara sa byahe ng MRT.

Kahapon nakapagtala ng 31 min na byahe mula North ave hanggang Ortigas at mula Ortigas hanggang Ayala ay 20min.

Sumatutal 51min o kulang kulang isang oras ang byahe ng bus mula North Ave. to Ayala.

Mas mabilis din ang byahe ng bus dahil pumalo sa 40-60kph ang naging speed o bilis ng bus kahapon kahit na rush hour.

Facebook Comments