Manila, Philippines – Aabot sa limang libong katao ang lumahok sa paglulunsad ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Sa kaniyang talumpati, inatasan ni Environment Secretary Roy Cimatu, ang mga Local Government Unit (LGU) at mga barangay sa paligid ng Manila Bay na magsagawa ng clean-up drive o paglilinis kada linggo.
Nagbabala rin si Año na paparusahan ang mga LGU o barangay na hindi susunod.
Layon ng rehabilitasyon ng mapababa ang libel ng fecal coliform – isang uri ng bakterya sa Manila Bay.
Lumabas kasi sa isang water sampling na naglalaman ng average na 330 milyon most probable number (MPN) fecal coliform ang Manila Bay, malayo sa katanggap-tanggap na antas na 100 MPN.
Bukod sa ceremonial launch, nagkaroon din ng clean-up activities sa ilang bahagi ng Navotas, Las Piñas, Cavite, Bulacan, Pampanga at Bataan na konektado sa Manila Bay.
Inaasahang tatagal ng ilang taon ang rehabilitasyon at nangangailan ng pondong aabot sa P47 bilyon.