Unang araw ng mga kilos-protesta sa Maynila at Quezon City, naisagawa ng mapayapa—PNP

Naisagawa ng mapayapa ang unang araw ng kilos-protesta kontra korapsyon sa Maynila at Quezon City.

Ayon kay Philippine National Police acting chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., walang naitalang untoward incident sa isinagawang rally sa mga nasabing lugar.

Inilagay sa full alert status ang lahat ng Police Regional Offices at mahigpit na ipinatupad ang maximum tolerance, kabilang ang mga units ng intel, traffic teams, maritime patrols, medical responders, at quick-reaction forces.

Tiniyak din ni Nartatez na paiigtingin nila ang mga hakbang para mapanatili ang kapayapaan at paghahanda para sa susunod na dalawang araw ng mga kilos-protesta.

Kaugnay nito, humigit-kumulang 1,500 na PNP personnel ang nagbantay sa tinatayang 650,000 na dumalo sa Quirino Grandstand, habang 1,014 na opisyal ang naka-stasyon sa People Power Monument na may humigit-kumulang 3,000 katao, at 924 opisyal sa EDSA Shrine.

Facebook Comments