Unang araw ng overseas absentee voting sa Hong Kong, matagumpay

Dumagsa sa polling precinct sa Hong Kong ang Overseas Filipino Workers (OFWs) kaugnay ng pagsisimula ng overseas absentee voting.

Itinuturing naman ng Philippine Consulate na matagumpay ang maagang pagboto ng Pinoy workers doon.

Gayunman, napansin ng Hong Kong Police ang pagdagsa ng mga botanteng Pinoy sa polling precinct kaya nakiusap silang limitahan ang bilang mga bumoboto.


Mahigpit pa rin kasing pinaiiral doon ang social distancing protocol dahil sa katatapos lamang ng ika-limang wave ng COVID-19.

Bunga nito, nagpatupad ang Konsulada ng Pilipinas ng paglilimita sa bilang ng mga lumalahok sa overseas absentee voting kada araw.

Facebook Comments