Unang araw ng pagdinig ng DOJ sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel, hindi matutuloy bukas

Ipinagpaliban ng Department of Justice (DOJ) ang nakatakdang pagdinig bukas, May 20, 2020, sa reklamong inihain laban kay Senator Koko Pimentel.

Partikular ang reklamong inihain sa DOJ ni Atty. Rico Quicho kaugnay ng sinasabing paglabag ni Pimentel sa quarantine protocols.

Bunga nito, sa June 18, 2020 na lamang gagawin ang unang pagdinig sa reklamo


Nag-ugat ang reklamo nang magtungo si Sen. Pimentel sa Makati Medical Center sa panahong siya pala ay positibo sa COVID-19.

Bunga nito, nalagay daw sa peligro ang publiko lalo na ang health workers ng naturang ospital na umasikaso sa kanilang mag-asawa.

Ang reklamo laban kay Pimentel ay isinampa ng grupo ni Atty. Rico Quicho sa pamamagitan ng electronic filing.

Facebook Comments