*Cauayan City, Isabela- *Masaya at matagumpay ang unang aktibidad ng Junior Chamber International (JCI) dito sa Lungsod ng Cauayan na dinaluhan ng mahigit walong daang miyembro ng JCI mula sa Cordillera Region, Region 1, region 2 at Region 3.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni JCI Senator at Sangguniang Panlungsod Arco Meris na nagsagawa na ng ibat-ibang pagsasanay ang mga dumalo sa kanilang unang araw na pagtitipon at nakatakda rin na darating ngayong araw ang World President ng JCI maging ang six world president upang makiisa at pangunahan ang isasagawang trainings ng mga JCI Members dito sa lungsod ng Cauayan.
Nakatakda namang parangalan ngayong gabi ang lahat ng mga nabigyan ng parangal sa mga ginanap na aktibidades ng Junior Chamber International habang magkakaroon naman ng eleksyon bukas para sa panibagong mga opisyal ng limang area ng JCI sa bansa.
Ayon pa kay Councilor Arco Meris, nasa edad labingwalo hanggang apatnapu ang mga miyembro ng JCI na nagsasagawa ng iba’t-ibang programa sa mga komunidad, leadership trainings lalo na sa mga kabataan at marami pang iba.
Dagdag pa niya, imbitado umano ang lahat na sumapi sa kanilang samahan upang makatulong at mahubog ang pagiging masigasig sa komunidad.
Samantala, Nakiisa rin kahapon si Senador JV Ejercito kasabay ng selebrasyon sa kaarawan ni Isabela Governor Faustino Bojie Dy III na ginanap sa Amphitheater ng ISU Cauayan Campus.