Unang araw ng pagpapatupad ng ECQ, generally peaceful ayon sa JTF COVID Shield

Generally peaceful ang unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus areas.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander, Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na compliant o sumusunod naman ang mga motorista na dumadaan sa mga quarantine controlled points.

Pakiusap lamang ni Binag na bago pa man sumapit sa checkpoints ay ihanda na ang kanilang mga ID.


Dito kasi aniya nagkakaroon ng pagkaantala sa byahe kapag hindi handa ang motorista na ipakita ang kaniyang ID o certificate of employment.

Paalala pa nito, ang pinapayagan lamang makabyahe sa ngayon ay mga Authorized Person Outside Residence (APOR) at ang karamihan ay dapat manatili sa loob ng tahanan upang bumaba ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments