Naging maayos at mapayapa ang unang araw ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa bansa.
Ito ang security assessment ng Philippine National Police (PNP) sa harap ng nagpapatuloy na community quarantine sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, nanatiling maayos ang bansa at walang naitatalang major untoward incident.
Sa kabila nito, sinabi ni Banac na mananatiling alerto at mapagmatyag ang mga pulis para sa anumang krimen, emergency at kalamidad.
Matatandaang kahapon ay muling inilagay sa GCQ mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at karatig-lalawigan at MGCQ mula sa GCQ ang mga lugar sa bansa.