Sumakay ng tren si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ang First Family para sa paglulunsad ng “Pamilya Pass 1+3” fare promo sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 nitong Linggo.

Sa ilalim ng programa, maaaring makasakay ang apat na miyembro ng pamilya o grupong binubuo ng apat na katao tuwing Linggo at isa lamang ang magbabayad ng pasahe.

Ayon kay Pangulong Marcos, bahagi ito ng pagdiriwang ng family day na kulturang nakagawian ng mga Pilipino tuwing Linggo.

Mula GMA-Kamuning hanggang North Avenue Station sumakay ang First Family para personal na ipaalam sa mga pasahero ang promo.

Nagsimula ang promo kahapon, June 1, at magtatagal hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos sa 2028.

Facebook Comments