Naging maayos at mapayapa ang unang araw ng pangangampanya ng iba’t ibang kandidato sa national position para sa election 2022.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, ito ay batay sa kanilang monitoring nationwide.
Aniya, nasunod ang minimum health at safety protocols kontra COVID-19 sa kabila ng dagsa ng mga dumalo sa proclamation rallies ng mga kandidato.
Panawagan lang ng PNP sa mga kandidato, panatilihin ang ganitong decorum o takbo sa kanilang political rallies dahil hindi pa rin nawawala ang banta ng pagkalat muli ng COVID-19.
Sinabi pa ni PNP chief, walang mawawala kung susunod ang lahat sa ipinatutupad na mga panuntunan ng gobyerno lalo’t para na rin ito sa kapakanan ng lahat.
Una nang inihayag ng Commission on Elections o COMELEC na generally peaceful ang unang araw ng pangangampanya kahapon, Pebrero 8 dahil sa wala namang naitalang untoward incidents sa mga lugar na pinagdausan ng proclamation rallies.