Balik eskwela na muli ang lahat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan tulad na lamang sa Dagupan City ngunit maaga rin itong naantala dahil sa pagdeklara rin ng suspension of classes ngayong araw dahil sa bagyong goring at high tide.
Sa unang araw ng klase kasi ay maaga pa ring nagsidatingan ang mga estudyante kahit pa alam na rin ng mga magulang na masungit ang panahon.
Sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa Dagupan City National High School, unang araw pa lang ng klase ay high tide na ang naging bungad sa kanila.
Dulot ito ng panaka-nakang pag ulan dulot ng bagyong Goring kaya naman ang kalsada papunta sa naturang skwelahan asahan umanong babahain.
Kaya naman ang mga estudyante ay dismayado dahil sa nararanasang sama ng panahon at nagkaroon maagang suspension of classes sa kakasimula pa lang ng school year.
Samantala, ilan pang mga bayan sa lalawigan ang nagdeklara ng suspension of classes ang patuloy ang monitoring ukol sa nararanasang sama ng panahon. |ifmnews
Facebook Comments