UNANG ARAW NG SIMBANG GABI SA DAGUPAN CITY, NAGING MAPAYAPA – PNP DAGUPAN

Naging mapayapa ang pagdaraos ng unang simbang Gabi sa Dagupan City ayon sa Philippine National Police Dagupan.

Ayon kay Chief of Police PLTCOL. Brendon Palisoc, naghanda umano ang pulisya upang maging maayos ang mga inilatag na seguridad sa mga simbahan.

Tuloy-tuloy umano ang magiging pagbabantay ng kapulisan sa paligid ng mga simbahan at maging ng iba pang pasyalan sa lungsod.

Nasa 138 na pulis ang pinakalat sa lungsod na nasa mga barangay hanggang sa mga matataong lugar.

Kalahati sa nasabing bilang ng mga pulis ay magdamag na nakatalaga sa mga natukoy na lugar upang maiwasan ang pambibiktima ng mga kawatan.

Kasunod nito, pakiusap ng pulisya ang patuloy na kooperasyon ng publiko upang maging matiwasay ang pagdiriwang ng Holiday Season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments