
Walang na-monitor na untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng tigil-pasada ng transport group na Manibela.
Ayon sa PNP, generally peaceful ang transport strike kahapon.
Kabilang sa mahigpit na mino-monitor ng pulisya ay ang Quezon City, Pasig, at Maynila kung saan doon nagtitipon-tipon ang mga tsuper at operators para magwelga.
Ngayong araw, September 18, sasama na rin sa tigil-pasada ang grupong Piston at inaasahan na hanggang Biyernes ang transport strike.
Panawagan ng Manibela at Piston na papanagutin ang mga tiwali sa gobyerno at tanggalin ang fuel excise taxes.
Kaugnay nito, may alok na libreng sakay ang pamahalaan para sa mga maaapektuhang mananakay.
Facebook Comments









