Naging maayos ang unang araw ng transisyon mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) patungo sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) and General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, walang naitalang major untoward incident sa unang araw ng transisyon pero magpapatuloy ang PNP Command Center sa Camp Crame para sa monitoring sa mga regions at mga probinsya maging sa mga areas na nasa low and moderate risk na.
Sa kabila nito, inamin ni General Banac, na nahihirapan sila sa pagpapatupad ng ECQ protocols sa pagsasagawa ng disaster response operations ngayong nanalasa ang Bagyong Ambo.
Kinakailangan kasi aniyang ipatupad ng mga police responders ang social distancing habang ginagawa ang evacuation operations para maiwasan ang pagkakahawa hawa ng Coronavirus Disease (COVID-19).